About this blog

Saturday, December 18, 2010

=)


Noong una malungkot ang buhay ko,

takot ako sa liwanag at ingay ng mundo.

takot ako maging masaya dahil alam ko lungkot ang kapalit nito,

at mas takot ako makilala ng mga tao sa paligid ko.

Hanggang sa makilala ko ang pitong nilalang na nag-iba ng mundo ko.

ewan ko kung pa'no at sa'n nang-galing ang mga 'to.

parang mga kaboteng nag-sulputan sa pribadong hardin ko,

talagang tahimik kong mundo sadyang gumulo!


Si MAPPLE ang una kong nakilala sa kanila.

sa competion ng English kaya kami nag-kakilala

Masunurin sa magulang, "parent's girl" ika nga,

sweet yan..'di nga lang halata!

Sumunod si ANGELINE kay Maan.

"ate gi" kung sya'y amin tawagin

"mataas na kulot" kung amin kantsawin,

kung kaya laging sapak ang abot namin.

Si REYSHELLE ang pumangatlo sa kanila.

Valedictorian ng barkada, pambato namin talaga.

kahit na malusog, mabait naman sadya.

wag mo nga lang galitin kung ayaw mo masipa.

Pang-model ang dating, panlaban sa mga beauty pageant.

kaya sa amin walang mag-atubiling s'ya ay hamunin

sapagkat alam na namin ang mga kalaban ay kanyang kayang patumbahin

ERICKA JANE wag kalimutan sa listahan.

Bestfriend ko ang sumunod sa kanya.

sadyang makulit at maingay na siguradong kaiinisan mo talaga.

pero mattawa ka oras na topakin s'ya,

dahil walang pinipiling oras o kausap si MIKHAELLA PAULA.

Iyakin sa barkada, yan si KRISTY ROSE na isip-bata.

kung tatanungin ang paborito nyang lugar, "park" ang issagot niya.

Wag mo subukan galitin kung ayaw makita,

salubong nyang mga mata sayo'y bumulaga.

Si MARVELYN ang huli sa kanila.

grade 5 na kasi ng maging kaklase ko s'ya.

tahimik na bata ng una ko makilala,

pero tenga ko'y natotorete oras na s'ya ay tumawa.


Ngayon kilala nyo na sila,

maiisip nyo ba na weird sila?

Pero kahit ano pa paninira ang gawing ng iba,

silang pito MAHAL KONG TALAGA!

No comments:

Post a Comment