About this blog

Saturday, December 18, 2010

10/09/2008


Tatlong araw lang ang lumipas,
pero bakit biglang nag-wakas?
Damdamin na pareho ang sinisigaw,
bakit ngayon ay biglang nalusaw?

Sabi ko mag-isip ka lang,
pero wag ka bibitaw.

Sabi ko pa unawain mo, ang tampo na madali naman matunaw.
Hindi tulad ng inaasahan ko,

lahat ng pangako biglang napako.


Sabi mo mahal mo 'ko, naniwala ako.
Sabi mo hindi mo 'ko iiwan, napanatag ang puso.
"Hind ko sisirain ang tiwala mo," nasambit mo.

Lahat ba 'to mga pag-papaasa at panloloko?

Mahal kita, walang pag-aalinlangan,
pero bakit ganito ang kinahinatnan?

Naniwala at nag-tiwala,na ikaw ang sasalo,
ngunit tulad ng iba,sinaktan mo lang din ako.

Salamat sa tamis ng kasinungalingan,
maaasahan mo na hindi kita malilimutan.
Sapagkat sa ikatlong pag-kakataon ay nabola ako,

ng isang gaya mo na walang ibang kayang gawin kundi ang mangako...

2 comments:

  1. wow... ang galing naman...punong puno ng emotions toh... i really like it... nakakarelate ako!

    ReplyDelete