Masyado ng komplikado ang buhay, madame ng wang-wang ika nga ni P-noy, kaya wag ka na maging choosy kung ano o sino man ang dumating sayo na nag-aaksaya ng oras niya/nila para lang mapa-ngiti ka kahit sa maikling pag-kakataon, seryoso man sila o hindi. Allow positivity ousted negativity, gaano man ito kababaw. Wag ka lang pabola ng todo. Dapat WAIS ka, wag ka TANGA. Dahil kahit ang mga tao na akala mo mga kaibigan mo, sa bandang huli ilalaglag ka din pala, sino ngayon ang talunan? Eh di IKAW! Ikaw na nga ang pinag-kaisahan, masama ka pa din sa paningin nila. Kaya wag ka na pa-INOSENTE.
Weh noh kung isipin nila na BITTER ako dahil sa mga pinag-sasabi co ngayon? OO naging bitter ako at aminado ako don! IKAW, kaya mo ba aminin sa sarili mo yan? At bakit? Do they have any idea what I had gone through? Alam ba nila na ang mga inakala ko noon na kaibigan ko ay nagawa ako ikanulo? Na mas naniwala sila sa kwento ng iba kesa sa sasabihin ko? Alam din ba nila na i was once a battered girlfriend? na kamuntik na ko mapatay ng gagong yon? Pero pag-katapos ng kabanatang iyon, nag-mahal ulit ako. Sabi nga nila try and try untill you die. 1..2..3..4 at ewan ko na napag-kakataon pa. Alam ba nila ang kwento na napapaloob sa mga iyon? COMMON FACTOR= na ang mga KUPAL na yo'n, GINAGO ako. "Mahal kita" sa simula, pero "Goodbye" na agad pag hindi nakuha ang gusto. Aba, kadalasan nga eh wala nng pasabi, bigla na lang hindi mag-paparamdam. At ang siste, AKO pa dae ang may kasalanan, THE NERVE di ba?!
Ngayon, mag-tatawa pa din ba kayo just because i sounded a total crap? KUPAL KA! MANHID! At wag na wag mo sasabihin o kahit isipin manlang na "tanga ka kasi", bakit? ikaw ba kahit isang beses sa buhay mo hindi ka naging TANGA?! Lahat naman yata tayo dumaan at pag-dadaanan yan, hindi para ibaba ang tiwala sa sarili mo kundi para ihanda ka sa kinabukasan, kinabukasan na meron MAS umaatikabong hamon, hirap at sakit na idudulot sayo. Para sa gayon, maging MATATAG ka, para hindi ka na MAGAMIT/MAIPIT ng SITWASYON. Yan ang isang REALIDAD ng buhay. The best you can do? SMILE. Welcome the GOOD, execute the BAD. Katotohanan o kathang-isip, seryoso man o tamang biro lang, WHO CARES?! Ang importante napa-ngiti ka. Kahit ramdam na ramdam mo na nuknukan ng kasinungalingan lang ang mga pinag-sasabi nila, RIDE ON. Yan lang naman ang kaligayahn ng mga yan e, KAYABANGAN, kaya wag mo na ipag-damot sa kanila. Oh ngayon? Sino na ang naisahan? EH DI SILA NAMAN! :D
(-ano nga ba ang punto ko sa sulating ito? Ewan ko. Parang halo-halo na nga naman kasi ang kinalabasan. May sense ba? Depende na yon sa pang-unawa at lawak ng isip mo.-)
No comments:
Post a Comment